3 NPA patay sa magkahiwalay na sagupaan sa CARAGA region

193

Namatay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang magkahiwalay na sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng militar sa Agusan del Norte at Surigao del Sur kamakailan.

Sa ulat ni Major Francisco Garello Jr., 4th ID spokesperson, unang nangyari ang sagupaan sa pagitan ng mga NPA at militar sa Sitio Bugta, Barangay Guinabsan, Buenavista, Agusan del Norte kasunod ay sa Surigao del Sur.


Nakuha sa pinangyarihan ng mga sagupaan ang bangkay ng mga nasawing NPA, mga baril at bala at pagkakakubkob sa pinagkukutaan ng mga ito.

Tiniyak naman 4th ID Commander Major General Romeo S. Brawner Jr., na hindi sila titigil sa operasyon laban sa mga NPA sa kanilang nasasakupang lugar.

Facebook Comments