3 opisyal ng NBI, kinasuhan na ng PNP-Anti Kidnapping Group hinggil sa Jee Ick Joo kidnap slay case

59

MANILA, PHILIPPINES – Kinasuhan na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang tatlong matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation.

 

Sa labing isang pahinang complaint, kabilang sina dating NBI Deputy Dir. Jose Yap, NBI-NCR Dir. Ricardo Diaz at NBI Task Force Against Illegal Drugs Chief Roel Bolivar sa mga kinasuhan kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

 

Sa affidavit ni Supt. Rafael Dumlao, sinabi nito na may direktang partisipasyon ang mga nabanggit na NBI officials sa krimen.

 

Una nang kinasuhan ng PNP-AKG sa Jee Ick Joo case sina SPO3 Ricky Sta Isabel, SPO4 Roy Villegas, Supt. Rafael Dumlao III, Ramon Yalung, Jerry Omlang at Gerardo Santiago.

 

Kabilang din sina Epephany Gotera, Teodolito Macato, Kevin Enriquez, Robert John Tobias, Bernardo Maraya Jr at limang empleyado nito, isang alias Pulis at iba pang John Does.

 

Maliban sa mga kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention with homicide kay Jee, kinasuhan din ng kidnapping and serious illegal detention para sa kasambahay ng Koreano na si Marisa Dawis.

 

Dinagdagan pa ito ng kasong robbery, carnapping, at falsification of public document dahil sa pagpeke sa death certificates ni Jee at obstruction of justice.




Facebook Comments