3 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pasay City; mga pabayang barangay officials, sinisi

312

Tatlo ang nadagdag sa nagpositibo sa COVID-19 sa Pasay City.

Batay sa tala ng Pasay City Health Office, ang dating 9 na confirmed COVID-19 cases sa lungsod ay umakyat na sa 12.


Habang ang dating 49 na bilang ng persons under investigation (PUIs) ay umakyat na  sa 50.

Ang dating 97 na persons under monitoring (PUMs) ay pumalo na ito 115.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang Pasay City LGU sa mamayan ng lungsod na manatili sa kanilang mga bahay upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Dismayado naman ang Pasay City Health Office sa pagpapabaya ng barangay officials kaya tumataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments