3 pari, nakatatanggap na rin ng death threat

1217

Manila, Philippines – Kinumpirma ng tatlong paring Katoliko na nakakatanggap sila ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.


Sa isang pagtitipon, ipinakita ni Father Albert Alejo ang bahagi ng mensahe ng banta sa kaniyang buhay na nagsabing bilang na ang kaniyang mga araw.

Aniya, nakatanggap rin si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ng banta mula sa kaparehong number na nagtext sa kaniya.

Nagpakita naman si Father Flavy Villanueva ng Tayuman Manila Parish ng video kung saan makikita ang isang lalaki na nakatakip ang mukha at paikot-ikot sa simbahan.

Sinabi naman ni Father Robert Reyes na may mga lalaking nakamotorsiklo ang umaaligid sa kanilang bahay.

Sa kanila nito, iginiit ng tatlong pari na wala silang balak na tumanggap ng police security dahil sapat na ang pagbabantay sa kanila ng taong simbahan.

Facebook Comments