3 party-list groups na hindi nakapasa sa COMELEC, nakakuha ng TRO sa SC

120

Nakakuha ng temporary restraining orders (TRO) mula sa Korte Suprema ang tatlong party-list group na hindi pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) na makasali sa 2022 election.

Kabilang dito sa nakakuha ng TRO ay Ang Tinig ng Seniors, Igorot Warriors International at ang Alliance for Resilience, Sustainability and Empowerment (Arise).

Ayon sa SC, ang petisyon para sa TRO o status quo ante orders ng party-list groups ay “sufficient in form and substance.”


Binigyan naman ng SC ng 10 araw ang COMELEC na magsumite sa kanila ng komento tungkol sa petisyon ng nasabing party-list groups.

Nauna nang inihayag ng Comelec na aabot sa 100 party-list group ang hindi nakalusot para makasali sa Eleksyon 2022.

Facebook Comments