3 patay, 5 sugatan sa pananalasa ng hanging habagat – NDRRMC

80

Tatlong indibidwal ang nasawi habang lima ang nasugatan sa kasagsagan ng mga pag-ulang dala ng hanging habagat.

Pero paglilinaw ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, walang kaugnayan sa landslide o pagbaha ang naiulat na casualty.


Ang isa ay nasawi matapos na mabagsakan ng puno ang kanilang sasakyan sa bahagi ng Kennon Road sa Cordillera Administrative Region.

Sugatan naman ang dalawa pang kasamahan nito.

Habang sa Region 1, dalawa ang nasawi matapos tamaan ng kidlat.

Facebook Comments