3 person of interest sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa Cebu, tinutugis na!

Tinutugis na ngayon ng Lapu-Lapu City Police ang tatlong person of interest sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita at binalatan pa ang mukha.

Sa interview ng RMN Manila kay Lapu-Lapu City Police Chief Lemuel Obon, nagtugma ang salaysay ng witness sa pagpatay sa biktimang si Christine Silawan.

Ayon kay Obon, batay sa lumabas sa autopsy report, umabot sa tatlumpu ang saksak na tinamo ng biktima.


Pero, walang indikasyon na hinalay ito ng mga suspek.

Bunsod nito, posibleng kilala umano ng biktima ang mga suspek.

Facebook Comments