3 pulis na akusado sa pagpatay kay Quezon City Deputy Chief Prosecutor Rogelio Velasco, nagsumite ng counter affidavit sa DOJ

Manila Philippies – Nagsumite na ng kanilang kontra-salaysay ang mga pulis na akusado sa pagpatay kay Quezon City Deputy Chief Prosecutor Rogelio Velasco.

Kabilang dito sina SPO2 Rodante Sicat Lalimarco, PO3 Arthur Yasonla Lucy at PO1 Jose Unar Mercado.

Pormal na pinanumpaan ng tatlong pulis ang kanilang counter affidavit kung saan itinanggi nila ang pagkakasangkot sa krimen.


Binigyan naman ang complainant ng March 11 para sa kanilang reply affidavit at March 25 naman para sa mga respondent upang ihain ang kanilang rejoinder.

Pagkatapos nito ay idedeklara nang submitted for resolution ang kaso.

May 11, 2018, lulan si Velasco ng pulang Toyota Innova nang harangin at pagbabarilin ito.

Facebook Comments