3 sakay ng motorsiklo, sugatan matapos tumilapon dah il sa pagsalpok sa taxi sa Moonwalk Parañaque

66

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong sakay ng motorsiklo matapos tumilapon dahil sa pagkakasalpok sa isang taxi sa Barangay Moonwalk, Parañaque City.

 

Sa kuha ng CCTV, malayo pa lamang ay nakasignal nang pakaliwa ang taxi nang biglang salpukin ito ng humaharurot na motor.

 

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ng ilang metro ang mga sakay ng motorsiklo kung saan isa sa mga ito ay humampas pa sa pader ng isang tindahan.

 

Ayon kay Brgy. Moonwalk tanod team leader Allan Francisco – walang suot na helmet ang mga biktima.

 

Dagdag naman ni Barangay Moonwalk administrator Elmer Villarin –lumalabas ding lulong sa alak ang mga biktima kaya nangyari ang salpukan.

 

Kasalukuyang comatose sa ospital ang isa sa sakay ng motorsiklo matapos mapuruhan ang pagkakahampas sa pader.


Facebook Comments