
Walong indibidwal ang sugatan marakaang magsaplukan ang tatlong sasakyan — dump truck, pampasaherong jeep, at badja, sa Sumulong Highway sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.
Ayon kay Gabriel Hernandez, Office for Product Safety and Standards (OPSS), hinihinalang nakatulog ang drayber ng jeep na paakyat sa Antipolo Proper, habang patungo naman ang badja sa Fatima at ang dump truck ay pababa sa Masinag.
Nagsalpukan ang tatlong sasakyan kung saan wasak ang unahan ng pampasaherong jeep at walong pasahero nito ay sugatan, pati na rin ang drayber ng dump truck at ng badja.
Ang nasabing mga indibidwal ay isinugod na sa ospital.
Naalis na sa kalsada ang dumptruck, pampasaherong jeep, at badja bago mag-alas-7:00 ng umaga.
Ang aksidenteng ito ay nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trpaiko sa Sumulong Highway sa Antipolo City, malapit sa Cloud 9.
Pinayuhan naman ang mga motorista na humanap na muna ng alternatibong daan upang maiwasan ang napakahabang trapiko sa nasabing lugar.