3 sugatan sa knife attack sa England

36

Sugatan ang tatlong tao kabilang na ang isang pulis sa nangyaring knife attack sa Manchester, England sa gitna ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa report, kapwa nasa Manchester Victoria Station ang mga biktima nang biglang umatake ang suspek at bigla silang pinagsasaksak.

Kaagad din namang naaresto ang suspek na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Nabatid na gumamit pa ng stun gun at pepper spray ang mga pulis bago tuluyang madakip ang suspek.

Facebook Comments