3 sugatan sa pagsabog sa isang shipyard sa Subic, Zambales

211

Subic, Zambales – Tatlo ang naiulat na sugatan sa naganap na pagsabog sa loob ng pagawaan ng barko sa Hanjin Heavy Equipment Corp. sa Redondo Peninsula sa Sitio Agusuin Barangay Cawag, Subic, Zambales.

Ayon sa source ng RMN News, ang pagsabog ay naganap alas 3:00 ng hapon kahapon sa dock 6, assembly area.

Isa sa mga empleyado ang umanoy ay nagsindi ng sigarilyo at sumabog ang isang acetylene tank doon


Kinumpirma ng isang source sa loob ng shipyard na tatlo ang nagtamo ng minor injuries at nasa isang pagamutan na ang mga ito.

Kasalukuyang inaalam pa kung may namatay sa pagsabog.

Samantala, pilit naman umanong itinatago sa media ng pamunuan ng Hanjin ang nasabing insidente.



Facebook Comments