3 sundalo at isang sibilyan, patay sa pananambang sa Lanao del Norte

1215
Photo courtesy: PPO LDN

Patay ang tatlong sundalo at isang sibilyan nang tambangan ang mga ito, alas-9:00 kaninang umaga sa Barangay Poblacion, Poona Piagapo, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga sundalo na sina Corporal Albert Saura, Corporal Bryan Binayog at Private First Class Albert Soriano, na mga miyembro ng 4th Mechanized Infantry Battalion, Philippine Army.


Ang sibilyan ay kinilalang si Camilo Andog, 18, residente ng Barangay Denaig, Poona Piagapo.

Ayon kay Brigadier General Facundo Palafox, Commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade, pababa ng bayan ang mga sundalo sakay ng dalawang motorsiklo nang tambangan ng mga armadong lalaki.

Ang sibilyan na namatay ay kaibigan ng mga sundalo at kasama sa kanilang biyahe.

Sinabi ni Maj. Salman Saad, Tagapagsalita ng Lanao del Norte Police, may nadamay na isang motorista dahil pinagbabaril ang sinasakyan nito habang pa-withdraw ang mga armado.




Sugatan ang nasabing motorista.

Iniimbestigahan na ng Philippine Army kung sinu-sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pananambang.

Facebook Comments