3 tao, arestado sa Tondo matapos mahulihan ng hinihinalang shabu

29

Tondo, Maynila – Arestado ang tatlong tao sa ikinasang anti-criminality operation sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Alejandro Basilio, 61-anyos, Robin Barcelona, 37-anyos at Rodora Nicodemyos, 40-anyos.

Ayon sa paunang ulat ng Manila Police District, ikinasa ang operasyon sa Isabelo Delos Reyes Street sa Tondo, matapos makatanggap ng tip na mayroong illegal gambling na nagaganap sa lugar.

Dito na naaktuhang naglalaro ng tong-its ang tatlo pero nang kapkapan ang mga ito, bumulaga ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 13-gramo.

Sa ngayon ay inilipat na sila sa Station Drugs Enforcement Unit.

Facebook Comments