
CAUAYAN CITY – Arestado ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Cagayan, kung saan nasamsam ang mahigit P60,000 halaga ng iligal na droga.
Kinilala ang isang suspek bilang “John”, 31-anyos at High-Value Target (HVT) mula Kalinga na nahuli matapos bentahan ng marijuana brick ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa halagang P60,000.
Samantala, sa hiwalay na operasyon, nahuli rin sina alyas “Juvy”, 30-anyos na residente ng Tuao, at alyas “Samuel”, 55-anyos, mula Solana, Cagayan na kapwa naaktuhan sa pagbebenta ng tig-isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa.
Samantala, dinala na sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.