3 warehouse sa Valenzuela City pinasara ng BIR

Hindi muna makakapag operate ang 3 warehouse sa Valenzuela City ito ay matapos ipasara ng BIR ngayong umaga.

Kabilang sa pinuntahan   ang warehouse ng asukal, hardware supplies at warehouse ng plastic sa Barangay Karuhantan Valenzuela City na pagmamay ari ng Gett Enterprises, Yaflex Harware Inc at Polymountain Industrial Corporation.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operation Group Arnel Guballa hindi nakarehistro ang mga nasabing establishimento sa BIR.


Dahil dito nalabag ang Sec 115 nh 1997 National Internal Revenue Code.

Sinabi ni Guballa na nagsagawa muna sila ng survailance, inspeksyon at dito napagalamanan na iligal ang operasyon ng 3 kumpanya.

Samantala kahapon punong puno ng sako ng asukal ang laman ng warehouse ng Gett Enterprises pero nang puntahan na ito ng BIR halos wala na silang inabutan.

Paliwanag ni Guballa posibleng nakatunog ang may ari sa surprisang operasyon.

Gayunman tinitak ng opisyla na patuloy nilang aalamin ang kabuoang operasyon ng 3 kumpamya nang sa ganun makapagbayad sila ng tamang buwis.

Facebook Comments