
Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa kabuuang 30 Chinese vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na Linggo, March 1 hanggang 8.
Sa Bajo De Masinloc nakapag-monitor ng 4 na People’s Liberation Army (PLA) Navy Ships at 7 Chinese Coast Guards (CCG).
Sa Ayungin Shoal naman 1 PLA-Navy Ships at 7 CCGs.
Habang sa Escoda Shoal ay namataan ang 3 PLA-Navy at 4 na CCGs.
Samantala, isang PLA-Navy at 3 CCGs ang namataan sa Pag-asa Island.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng AFP na patuloy na pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










