30 fiberglass boats, ipagkakaloob ng DOLE sa mga bayan sa Surigao del Sur na nasalanta ng bagyo

26

Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 30 fiberglass motorized boats sa bawat bayan sa Surigao del Sur kasunod ng hagupit ng Bagyong Auring.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mula sa 19 na munisipalidad, 18 dito ay coastal towns kaya bibigyan nila ang mga bayan ng mga bagong bangka.


Nasa 250 emergency workers ay itatalaga nila sa bawat munisipalidad.

Bukod dito, inanunsyo naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang power infrastructure ang napinsla sa pagdaan ng bagyo.

Karamihan sa mga bayan ay naibalik na ang supply ng kuryente.

Facebook Comments