30 mga vendor sa Taytay, Rizal, nagpositibo sa COVID-19

37

Umabot sa 30 mga vendor mula sa Taytay Public Market ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa swab test.


Kabilang ang 30 sa 592 vendors at tenants na nai- COVID-19 test.

Sa ngayon ay naka -quarantine at under strict monitoring na ng mga local health authorities ang 30.

Kasabay nito ay agad na nagsagawa ng disinfection sa nasabing pamilihan upang matiyak na malinis at ligtas ang mga mamimili.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iikot ng Taytay, Rizal Provincial COVID-19 Testing Team sa mga pamilihang bayan sa lalawigan na magsagawa ng COVID-19 Expanded and Targeted Testing upang masigurong ligtas ang mga tenants at vendors gayundin ang mga namimili rito.

Facebook Comments