Nakitaan na ng nasa 30 pesos na kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Naglalaro sa 30-38 pesos ang kada kilo ngayon ng lokal na bigas kumpara sa imported na naglalaro mula 44-50 pesos kada kilo.
Ayon sa ilang rice retailer at magsasaka rin, mababa na rin umano ang kuha sa kada sako ng bigas ngayon dahil sa mababa rin ang presyo ng palay matapos ang pag-aani.
Isa umano sa nakikita nilang dahilan ay ang epekto rin ng maulan na panahon.
Ang ilan naman sa konsyumer, kinukuha na ang oportunidad ng mababang presyo ng bigas kung saan mabenta sa mga ito ang nasa 33-38 pesos kada kilo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments