300 Pilipino sa Kuwait, tinamaan ng COVID-19

47

Sa higit 55,000 na kaso ng Coronavirus Disease sa Kuwait, 300 sa mga ito ay mga Pilipino.


Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Charge d’ Affaires to Kuwait Charleson Hermosura na sa nasabing bilang, 260 na ang nakarekober, habang 31 ang naitalang nasawi kasama na ang 4 na health workers.

Ilan sa mga nasawi sa COVID-19 ay nailibing na sa Kuwait, habang ang iba ay iniuwi sa bansa para dito i-cremate.

Samantala, iniulat din ni Hermosura na umaabot na sa 23,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang displaced o nawalan ng trabaho sa Kuwait.

Limang libo sa mga ito ang nakatanggap na ng $200 cash assistance ng DOLE-AKAP program habang tuluy-tuloy pa rin hanggang ngayon ang pagproseso ng aplikasyon ng mga displaced Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments