300 PUNO NG NIYOG, ITINANIM SA BAHAGI NG TONDALIGAN BEACH PARK

Itinanim sa bahagi ng Tondaligan Beach Park ang 300 na puno ng niyog sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, City Engineering Office, City Agriculture Office at mga opisyal ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan sa Bonuan.

Bahagi pa rin ito sa target na makapagtanim ng 5,000 puno ng niyog sa kahabaan ng Tondaligan beach park at mapalitan bilang Ecotourism at Funsite ang animnapung taon ng dumpsite sa lugar.

Nagmula ang mga itinanim na puno ng niyog sa Philippine Coconut Authority.

Nauna nang nakapagtanim ng 1,600 na puno noong Agew na Dagupan na pinagtulungang tamnan ng nasyonal at lokal na gobyerno, mga ahensya, at pribadong sektor.

Kasunod nitong Setyembre na naitanim ang nasa 1,200 na puno kasama ang Girls Scout of the Philippines – Dagupan Council.

Ang pagtatanim na ito ay isinagawa bilang suporta sa pagpapayabong ng kalikasan at pagpapanatili sa kapaligiran ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments