300,000 hanggang 400,000 na formal workers, maaapektuhan ng ECQ sa Metro Manila; Dagdag na P3-B para sa ayuda, inihirit ng DOLE

26

Aabot sa 300,000 hanggang 400,000 na mga formal worker ang inaasahang maaapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, humiling na sila ng karagdagang P3 billion para sa ayuda ng mga maaapektuhang manggagawa.


Target ng ahensya na magbigay ng one-time assistance na P5,000 sa kada manggawang matitigil sa trabaho dahil sa ECQ.

Aniya, bukod pa ito sa ayudang matatanggap ng mga low-income families mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments