31 Bayan ng Isabela, COVID-19 Free; Health Protocols, Hinimok na Sundin pa rin ng Publiko

33
Cauayan City, Isabela- Nanatili pa rin sa pito (7) ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela makaraang madagdagan ito ng dalawang pasyenteng nagpositibo sa sakit base sa pinakahuling datos ngayong araw, Abril 13,2022.

Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Aurora, Benito Soliven, Cauayan City, San Mariano, City of Ilagan at dalawang kaso naman sa Alicia.

Dahil dito, umabot na sa 69,022 ang total cumulative cases at 66,759 ang recoveries habang naitala naman ang 2,258 na COVID related deaths.

Samantala, nadagdagan ng isang (1) pasyente ang nakarekober sa sakit.

Sa kabuuan, tatlumpu’t isang (31) bayan na sa Isabela ang COVID-19 Free.

Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments