31 mangingisda, nailigtas ng Philippine Navy sa West Philippine Sea

344

Nasagip ng Naval Forces West ang 31 mangingisda sa kanilang lumulubog na bangka malapit sa Nares bank sa West Philippines Sea nitong araw ng Linggo.

Ayon kay Commodore Donn Anthony Milaflor, Commander ng Naval Forces West, humingi ng saklolo sa radyo ang kapitan ng fishing boat FB Pauline 2 na si Placido Asusina matapos na mabutas ang kanilang banka at pasukin ng tubig.


Ang tawag ay natanggap ng isang kalapit na fishing boat ang FB Española at inireport sa Naval Forces West ng kapitan nito na si Jafel Alipustain.

Agad namang inatasan ng Naval forces West ang kanilang mga barko na nagpapatrolya sa lugar na sumaklolo at unang nakarating sa lumulubog na bangka ang BRP Emilio Jacinto (PS35).

Agad na binigyan medical attention at pagkain ang 31 mga naligtas na mangingisda at inihatid ng BRP Emilio Jacinto sa San Jose, Occidental Mindoro.

Facebook Comments