31 PNP personnel, nadagdag sa listahan ng positibo sa COVID-19

39

Nakapagtala ng 31 bagong kaso ng COVID-19 ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa ulat ng PNP Health Service, kaya naman umakyat na sa 8,422 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibong pulis dahil sa virus.

Pinakamarami ang naitalang bagong kaso sa National Headquarters na may 16 na sinundan naman ng National Operational Support Unit na may 5.


Tig-2 naman ang nadagdag sa Central Luzon, Bicol, Cagayan at Cordillera Police.

Habang tig-1 sa Ilocos at Central Visayas Police

Sa kabuuang bilang naman ng mga nagpositibo sa PNP, 433 rito ang aktibong kaso makaraang gumaling sa sakit ang 5 kaya naman umabot na sa 7,962 ang bilang ng gumagaling sa hanay ng Pambansang Pulisya.



Nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments