31 tauhan ng PNP, nadagdag sa bilang ng mga infected ng COVID-19

34

May panibagong 31 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang naging infected ng COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng PNP Health Service kaya mayroon nang kabuuang 9,840 COVID cases sa PNP.


Sa bilang na ito, 519 ang active cases.

Nakapagtala naman ng 24 na PNP Personnel na mga bagong gumaling sa virus.

Kaya naman mayroon nang kabuuang 9,293 new recoveries sa Pambansang Pulisya.

Nananatili naman sa 28 ang namatay na PNP personnel dahil sa COVID-19.



Facebook Comments