310,000 OFWs, natulungan makauwi sa bansa – Lorenzana

61

Umaabot na sa 310,000 Filipino migrant workers ang nakauwi sa bansa mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabilang na rito ang 151 na Pilipino mula sa Sabah.


Pero mayroon pang natitirang 2,063 Filipinos sa nasabing teritoryo.

Aniya, inaasahang marami pang Pilipino ang uuwi sa bansa.

Mula nitong Marso, maraming OFWs na ang umuwi sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng coronavirus cases sa buong mundo na siyang nagpasara ng marmaing establisyimento at negosyo na nagresulta ng libu-libong kababayang nawalan ng trabaho.

Facebook Comments