311 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH noong Huwebes

Umabot sa 311 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala noong huwebes ng Department of Health (DOH).

Batay sa datos na inilabas ng DOH kagabi, sa kasalukuyang nasa 4,079,796 na ang nationwide cases habang ang aktibong kaso ay umakyat mula sa 8,414.

Umakyat naman sa 4,004,859 ang bilang ng mga gumaling habang ang 66,316 ang total death.


Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala sa National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng impeksyon na nasa 637.

Sumunod dito ang Davao Region na nasa 295, Calabarzon na may 236, Northern Mindanao na may 224, at Soccsksargen na may 176.

Facebook Comments