32.5% voters turnout, naitala ng Philippine Embassy sa Israel

3,397 lamang na mga Pilipino sa Israel ang nakaboto nitong nakalipas na overseas voting.

Ito ay mula sa kabuuang 10,452 na registered Pinoy voters sa Israel.

Ayon sa Philippine Embassy, 32.5% na voters turnout lamang ang kanilang naitala sa nakalipas na halalan.

Tiniyak naman ng embahada na naging transparent ang naging proseso ng pag-transmit ng election returns sa Pilipinas.

Ipinakita rin ang election returns sa poll watchers at sa mga Pilipinong sumadya sa Embahada para saksihan ang ginawang canvassing.

Facebook Comments