32 anyos na lalake, arestado sa isinagawang drug buy-bust operation sa lungsod ng Roxas; 14 na sachet ng suspected shabu, nasabat ng mga pulis

57

Roxas City – kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng 32 anyos na suspek matapos mahuli ito sa drug buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz PNP sa barangay 7, lungsod ng Roxas.

Kinilala ang suspek na si Rudini Arabacan ng barangay Cagay, Roxas City.

Nakuha ng mga operatiba sa kamay ng subject ang 14 sachet ng suspected shabu at mga drug paraphernalia.

Matagal nang isinailalim sa surveillance ng PNP ang illegal na gawain ng nasabing suspek.

Si rudini Arabacan, ay isa sa mga high value target ng Capiz PNP dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

DZXL558

Facebook Comments