32 jailguards, pinatalsik sa Iloilo District Jail

Iloilo – Pinatalsik ang 32 na mga custodial jail guards sa Iloilo District Jail sa Nanga, Pototan, Iloilo kasunod ng report na may pinapasok na kontrabando sa kulungan.

Sinasabing may mga preso na involve pa rin sa pagbenta ng pinagbabawal na droga kahit sa loob ng kulungan.

Ayon kay BJMP 6 Director Rex Delarmente, ginawa ang hakbang para sa gagawing imbestigasyon.


Inirekomenda rin ang pagtanggal sa pwesto sa jail warden at asst jail warden na sina Jail Senior Insp. Abner Zamora at Jail Insp. Henry Harder.
DZXL558

Facebook Comments