33 katao, arestado sa Anti-Criminality Campaign ng Makati PNP

Makati City, Philippines – Pinaghuhuli ang tatlumpu’t tatlo katao, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos sa ikinasang Anti-Criminality Operation ng pulisya sa Makati City.

Ayon kay Chief of Police Sr. Supt. Gerardo Umayao, isinagawa ang operasyon sa isang abandonadong sementeryo sa Barangay Valenzuela .

Sinabi ni Umayao na walong gramo ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia ang kanilang nakumpiska mula sa mga arestado.


Aniya, isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga naarestong indibidwal.
DZXL558

Facebook Comments