33% ng mga Pilipino, positibong magiging maganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan ayon sa SWS survey

Maliit na porsyento lamang ng mga Pilipino ang positibong magiging maganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

Sa gitna ito ng nararanasang krisis ng bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 33% ng mga Pilipino ang optimistic para sa magiging lagay ng kanilang pamumuhay, 45% ang naniniwalang hindi ito magbabago at 7% ang naniniwalang lalala pa ito.


14% naman ng mga lumahok sa survey ang hindi nagbigay ng kasagutan.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula Setyembre 12 hanggang 16 sa may 1,200 adult respondent mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments