34 bricks ng marijuana leaves na nagkakahalaga ng 1.2 milyong piso narekober ng pnp sa 1 bakanteng lote sa Cavite

60

Na-rekober ng mga tauhan ng Silang Municipal Police Station sa Cavite ang 34 na bricks ng Marijuana leaves kahapon ng hapon.

Sa ulat ng PNP CALABARZON nakatangap ng tawag ang Silang Municipal Police Station mula sa Brgy Chairman ng Barangay Lalaan 1st Silang Cavite na si Romeo Toledo.


Inireport nito ang pagkakakita ng 34 na bricks ng marijuana leaves na aabot sa 34 kilos sa bakanteng lote ng Cathay Land sa may Aguinaldo Highway Barangay Lalaan Silang, Cavite.

Agad silang rumesponde dahilan ng pagkakakuha ng marijuana leaves na may street value na 1.2 million pesos.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Cavite para matukoy ang nagmamayari ng mga 34 na bricks ng marijuana leaves.

Facebook Comments
From Advertisers