35 katao, patay sa pagsabog sa Northern Burkina Faso

150

Aabot sa 35 ang nasawi, habang nasa mahigit dalawampung katao ang naitalang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Northern Burkina Faso na sakop ng West Africa.

Ayon sa mga awtoridad, lulan ng isang sasakyan ang mga biktima na papunta sa bayan ng Bourzanga at Djibo nang mangyari ang pagsabog.

Dagdag pa, lumabas sa paunang imbestigasyon na posibleng mga miyembro ng Islamic Extremist Rebels ang nasa likod ng insidente.


Tinukoy nito ang Al-Qaida at Islamic State Group na nakapatay ng libu-libong indibidwal.

Nabatid na ito na ang ika-limang pagsabog na nangyari sa nasabing lugar mula pa noong nakaraang buwan.

Facebook Comments