36 na PNP personnel, gumaling kahapon sa COVID-19

33

Nadagdagan ng 36 na Philippine National Police (PNP) personnel ang gumaling sa COVID-19 sa hanay ng PNP.

Batay sa ulat ng PNP Health Service kahapon, nadagdagan ng 36 ang recoveries kaya umabot na ngayon sa 7,040 ang mga gumaling sa PNP.


Pero, may 24 naman na PNP personnel ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 kahapon kaya umabot na sa 7,490 ang COVID cases sa PNP sa bilang na ito 426 ang active cases.

Ang 24 na mga panibagong positibo, dalawa sa national headquarters, anim sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pito sa PNP CALABARZON, dalawa sa PNP Region 7, apat sa PNP Region 10 at tatlo sa PNP Region 11.

Nanatili naman sa 24 ang nasawi sa hanay ng PNP.

Facebook Comments