361 OFWs mula Lebanon, sumailalim sa RT-PCR test pagdating sa bansa

Photo Courtesy: DFA - Philippines | Facebook

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sumailalim sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID-19 test ang 361 Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating sa bansa mula sa Beirut, Lebanon.

Sa ngayon, ang naturang OFWs ay nasa quarantine facilities na ng pamahalaan.

Sila ay sumailalim din sa briefing ng Bureau of Quarantine (BOQ), Philippine Coast Guard (PCG) at ng Philippine Airlines pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID test bago sila pauwiin sa kanilang mga lalawigan.

Ang naturang repatriates ay isinakay sa chartered flight ng Philippine Airlines.

Facebook Comments