37-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA ISLA NG BORACAY

28
Malay, Aklan – Arestado ng Malay PNP ang isang 37-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa Sitio Lapus-Lapus, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan. Ang suspek ay nakilalang si Raniel alyas “Reniel” Lorenzo, tubong Quezon Province at kasalukuyang nakatira sa isla ng Boracay. Inaresto si Lorenzo matapos ma bilhan ito ng dalawang sachet ng suspected shabu ng isang poseur buyer kapalit ng P 2,000 na buy-bust money. Sa isinagawang body search sa suspek ay dalawang sachet pa ng suspected shabu ang nakuha sa bulsa nito. Bago isinailalim sa operation ang suspek ay matagal na ring minonitor ito ng mga kapulisan. Inamin rin niya sa mga kapulisan na gumagamit ito ng shabu. Sa ngayon ay dinala na sa syudad ng Iloilo ang suspek para sa drug test. Mahaharap naman sa kasong paglabag sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.// RMD
Facebook Comments