37 mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

34

Tumataas din ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot sa 942.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) kahapon, panibagong 37 mga pulis ang nag-positive sa COVID-19.


Sa bilang ng mga nagpositibo, 419 ay gumaling na habang inoobserbahan pa ang 657 na pulis na ikinokonsiderang mga probable cases at 1,258 na pulis ang suspect cases ng COVID -19.

Nananatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments