38 million na Pilipino, fully vaccinated na laban sa COVID-19

66

Aabot na sa 91.7 million doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 38.1 million na Pilipino o katumbas ng 49.48 percent ng target population ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Nasa 56.7 million o 73.50 percent naman ng target population ang nabigyan na ng first dose.


Mas mataas ito sa 54 million na Pilipino na target na mabigyan ng first dose sa katapusan ng Nobyembre.

Sinabi rin ni Duque na target ng pamahalaan na mabigyan ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 ang 54 million na mga Pilipino sa pagtatapos ng taon.

Facebook Comments