38 na mga bagong modernized units na PUV, inilunsad ng LTFRB sa tatlong rehiyon sa bansa

38
Photo Courtesy: LTFRB

Tatlumput walong mga bagong modernized units ang inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Region 1, 4 at 8 sa ilalim ng PUV Modernization program ng gobyerno.

Sa Region 1, 23 modern units ang pinayagang bumiyahe sa rutang Laoag City to Paoay via Batac route sa ilalim ng new consolidated Ilocos Transport Cooperative.


23 modern units din ang ibinigay sa sa Silang Transport Service Development Cooperative sa region 4 para sa Silang-Zapote route.

Pitong Public Utility Buses (PUBs) naman ang pinayagang makapamasada sa rutang Tacloban-Ormoc route at tatlong PUBs para sa Tacloban-Naval route.

Facebook Comments