39℃ heat index, inaasahang maitatala sa Dagupan at Metro Manila; PAGASA, nagpaalala!

32

Nagpaalala ang PAGASA sa publiko kasunod ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa.

Ngayong araw, inaasahang makapagtatala ng 39℃ hanggang 40℃ heat index sa Dagupan City habang 39℃ sa Metro Manila.


Kaya para makaiwas sa heat stroke o heat cramps, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na:

 Manatili sa loob ng bahay at panatilihin itong well-ventilated
 Magsuot ng presko at light colored na damit
 Uminom ng maraming tubig
 Umiwas sa alak para hindi ma-dehydrate

Sabado nang maitala ang 51℃ sa Dagupan, ang pinakamataas na temperatura sa bansa ngayong 2021.

Facebook Comments