3RD ILALAM ART/DESIGN EXHIBIT 2023, MULING BUBUKSAN SA BAYAN NG BAYAMBANG

Uumpisahan ng buksan sa publiko ang 3rd Ilalam Art/Design Exhibit sa nalalapit na June 6 at magtatagal pa hanggang June 30 ngayong taon. Katuwang rito ang Senior High School students ng Bayambang National High. Gaganapin ito sa Balon Bayambang Museum.
Tampok sa exhibit na ito ang pagpapakita ng mga estudyante ng kanikanilang mga iba’t ibang talento sa pag aart at ideya sa pagdedesign. Hindi lang iyan ang kanilang gagawin kundi iba’t ibang klaseng art ang kanilang ipapakita. Mayroong comics, video installations, small scale art installation, scanography at assemblage sculptures. Ang maganda pa rito ay lahat ng mga gagawin nilang projects ay mula sa lokal na kultura ng bayan ng Bayambang.
Ang “Ilalam” ay salitang Pangasinan na sa ingles ay “imagination”. Isa sa talento ng artist ay ang kaniyang imahinasyon upang makapagbuo ng isang makabuluhang sining. |ifmnews

Facebook Comments