3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), tuloy kahit may pandemya

88

Itutuloy pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, gagawin ito sa pamamagitan ng online sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa September 10, 2020.


Hindi katulad ng mga nakasanayan, gagawin lamang ang ceremonial pressing ng button bilang hudyat ng duck, cover at hold procedure sa pamamagitan ng Facebook live stream.

Hinikayat naman ni Timbal ang publiko na makiisa sa Earthquake Drill.

Samantala, magkakaroon din ng webinar ang NDRRMC bilang bahagi ng new normal kaugnay sa paghahanda sa posibleng lindol.

Itinakda ito sa September 8, 2020, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.




Nanawagan ang Office of Civil Defense sa publiko na makiisa sa mga aktibidad na may kinalaman sa earthquake preparedness.

Facebook Comments