3RD TELCO | Isyu ng BBL at frequency para sa bagong telco, tatalakayin sa Supreme Court En Banc bukas

261

Manila, Philippines – Inilatag na ng Korte Suprema ang mga isyung tatalakayin bukas sa pagbabalik ng en banc session ng mga mahistrado.

Kabilang sa inaasahang reresolbahin ng Supreme Court bukas ang petisyon ni dating sulu gov abdusakur tan kontra sa Bangsamoro Basic Law

Inaabangan din ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyon kontra sa kasunduang pinasok ng PLDT at Globe kaugnay ng paggamit ng frequency mula sa San Miguel Corporation

Bunga kasi nito, mawawalan na ng frequency ang papasok na ikatlong Telecommunications Company o Telco player.

Napapanahon ang nasabing petisyon dahil sa Miyerkoles na inaasahang inaanunsyo ng pamahalaan ang winning bidder para sa Third telco sa bansa.

Facebook Comments