4 arestado sa hoarding at over price na alcohol sa Pasay City

45

Arestado ang tatlong lalaki at isang kasamahan nilang babae matapos na magbenta ng overprice na alcohol sa Park Avenue, Barangay 88, Zone 9, Pasay City.

Bukod sa over price na alcohol, nahaharao din sa kasong hoarding ang mga suspek na sina Eduardo Salvador, Harvy Besa, Jogn Paul Delos Reyes at Gemma Montalbo.


Nabatid na matapos na makumpirma ang sumbong hinggil sa iligal na gawain, agad na nagsagawa ng operasyon ang Pasay Philippine National Police (PNP) Station Intelligence Section kasama ang 301st Special Mission Group, 300th Air Intelligence and Security Wing at Philippine Air Force sa naturang lugar kaya’t nasakote nila ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 504 piraso ng 500ml na isopropyl alcohol na ibinebenta nila sa halagang PHP185.00 gayung PHP74.00 lang dapat ang halaga nito.

Hindi naman nagbigay pa ng pahayag ang mga suspek kung saan ayon kay PSMS Rodolfo Soquiña ng Station Investigation Division Management Branch ng pasay pnp, inaaalam na nila kung sino pa ang kasabwat ng mga suspek at saan nila nakuha ang mga naturang alcohol.

Facebook Comments