4 arestado sa paglabag sa curfew

Kalibo, Aklan – Apat katao ang arestado kagabi matapos na maglabag sa curfew hour. Ang mga naaresto ay isang 20-anyos na taga Andagao, 42-anyos na taga Purok 3, C. Laserna St., 27-anyos na taga Pastrana St., at 26-anyos na taga New Buswang, Kalibo na nahuling magkaangkas at hindi sumusunod sa health protocol. Wala ring maibigay na balidong dahilan kung bakit nasa labas pa ang mga ito. Ang mga nahuli ay inisyuhan ng citation ticket ng Kalibo PNP at ni-refer sa Pob. Kalibo, Kalibo para sa kanilang community service.

Facebook Comments