4-days old na sanggol, nailigtas matapos ilibing ng buhay sa India

80

Nasagip ang isang babaeng sanggol matapos ilibing ng buhay sa isang sementeryo sa Uttar Pradesh, India.

Ang apat na araw pa lamang na sanggol ay nadiskubre ng isang mag-asawa habang inililibing nila ang kanilang anak na namatay sa ospital.


Habang naghuhukay ang mag-asawa ay may narinig nila na umiiyak na bata sa ilalim ng lupa at dito nadiskubre ang isang buhay na sanggol na nasa loob ng paso na nakabaon ng dalawa hanggang tatlong talampakang lalim.

Ayon sa mga awtoridad, nakalibing ang bata sa ilalim ng lupa sa loob ng apat hanggang anim na oras bago nasagip.

Inoobserbahan ang sanggol na nasa intensive care unit (ICU).

Tinutugis na ang magulang ng nasabing sanggol at sasampahan ng attempted murder at abandonment.

Facebook Comments

From Advertisers