4 na batang tinurukan ng COVID vaccine, nakaranas ng adverse effect

64

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng apat na menor de edad na nakaranas ng adverse event matapos mabakunahan kontra COVID-19.

Mula ito sa 1,509 na mga menor de edad na may comorbidity na tinurukan ng COVID vaccine.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, isa sa mga bata ang tumaas ang blood pressure pero naibalik din sa normal makalipas ang dalawang oras.


Isa ring bata ang nakaranas ng allergic reaction na nakontrol din kalaunan habang dalawa ang stress o related dahil sa naranasang anxiety o pagkabalisa sa pagbabakuna.

Facebook Comments